Hinatak ni Shimamura ang babae sa kama pagkaraan niyang mahiga. Kalahati ng mukha nitoy nakatalikod, nakakubli sa kanya, ngunit hindi nagtagal, marahas nitong ibinaling ang mga labi sa kanya. At pagkaraan, parang nagdedeliryong sinasabi nito ang kanyang sakit, inulit-ulit ng babae, hindi malaman ni Shimamura kung ilang beses: |
|
 | Alam mo, hindi kita maintindihan. |  |
|
 | Hindi, hindi. Hindi ba sabi moy gusto mong magkaibigan tayo? |  |
|
|
|
|
Ang halos napakaseryosong tono nito ay nakapagpalamig sa kanyang gana, at habang nakikita niya ang pagkulubot ng noo nito sa pagtatangkang kontrolin ang sarili, naisip niyang panindigan ang binitiwang pangako. |
|
 | Hindi ako magsisisi. Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako ganoong babae. Hindi magtatagal. Hindi bat ikaw mismo ang may sabi niyan? |  |
|
 | Hindi ko kasalanan ito. Kasalanan mo. Talo ka. Ikaw ang mas mahina. Hindi ako. |  |
|
|
|
|
|
 | Nagtatawa ka, ano? Pinagtatawanan mo ako. |  |
|
 | Hindi. |  |
|
|
|
|