Witty Comics
Hello make a comic | login | join | faq | puzzle newsletter | make friends | draw pictures

Lupain ng Taglamig by graal_aquino23 on 12-27-2011
Tuwid na naupo ang babae at huminga nang malalim, ngunit malinaw na nahihirapan itong huminga. Para raw itong masusuka, sabi nito, at binuksan ang bintana sa likod, ngunit hindi makasuka. Tila pinipigil nito ang sarili na bumagsak nang namimilipit sa sahig. Maya’t maya’y natatauhan ito.
“Uwi ka na."
“Mahiga ka na,Mahiga ka kapag may nagsasabi sa iyo.”
“Pero ano’ng gagawin mo?”
“Mauupo ako rito. Ganito. Kapag bumuti-buti ang pakiramdam ko, uuwi ako. Uuwi ako bago mag-umaga.”
Nahiga uli si Shimamura. Dumuhapang ang babae sa mesa at muling uminom ng tubig.
“Bangon. Bangon kapag may nagsasabi sa iyong bumangon.”
“Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?”
vote: votevotevotevotevote | login to vote | log in to flag this comic as inappropriate
View this comic as XML | printer friendly
<< Lupain ng Taglamig Lupain ng Taglamig >>

Statcounter